Bakit ako pa? Naranasan mo na ba makuhaan ng ID? Sana naman hindi pa.  Kasi ako naranasan ko na. Kaninang bandang 1:30 ng Hapon, Kakababa ko lang galing sa West sa aking huling klase ng araw (Pawis na pawis at nagmamadali dahil sabik na akong magDoTA), So inalis ko ang aking ID lace na nakasabit sa aking leeg para magpunas ng pawis at isinilid ito sa aking bulsa. Sa kasamaang palad, Nakita ito ng isang gwardya at napansin ako,”Pre,Nasaan yung ID mo? Patingin nga” sabi ng gwardya.”Nandito sa bulsa ko.”(Inabot ko naman at naisip ko na kukunin niya) ang sabi ko.”Bakit hindi mo suot?” tanong ulit ng gwardya.”Kasi magtutuyo sana ako ng batok.” ang sabi ko.”Sige, sa Prefect mo na lang sabihin yan ah!” na paangas na sinabi ng gwardya. So ako umalis na lamang ako,masama ang loob dahil ang pagtutuyo ko ng pawis ay nauwi sa prefect. So ano ang gusto ko iparating? Gusto ko lamang ipahayag na sana bago kinuha ng gwardya eh inintindi niya muna ang aking rason kung bakit ko hinubad ang aking ID,Hindi ko ito hinubad para maging badass kasi 2nd year na ako at hindi ko na kailangan magsuot ng ID.At gusto ko lamang ipahayag na,bakit ang mga batch 10 and prior hindi nagsusuot ng ID?yung mga varsity hindi nagsusuot ng ID at Nag-tsitsinelas pa!Tapos ako tong magtutuyo lamang ng pawis eh napansin pa?Sana sa susunod na mapansin ng gwardya o kahit sino pang tao ang aking pagkakamali eh sana pansinin muna nila yung pagkakamali ng iba na truly badass at yung mga tipong gusto lamang sawayin yung mga patakaran. Hindi ko sinasabing sana ma-exempt ako sa parusa, pero sana maging pantay pantay lang yung pagtrato,pagsaway at pagpansin sa mga estudyante…Oo hindi ako lalaban pero sa mga ganitong sitwasyon kaya kong ipaglaban yung aking tamang katwiran. 

Bakit ako pa?

Naranasan mo na ba makuhaan ng ID? Sana naman hindi pa. 

Kasi ako naranasan ko na. Kaninang bandang 1:30 ng Hapon, Kakababa ko lang galing sa West sa aking huling klase ng araw (Pawis na pawis at nagmamadali dahil sabik na akong magDoTA), So inalis ko ang aking ID lace na nakasabit sa aking leeg para magpunas ng pawis at isinilid ito sa aking bulsa. Sa kasamaang palad, Nakita ito ng isang gwardya at napansin ako,”Pre,Nasaan yung ID mo? Patingin nga” sabi ng gwardya.”Nandito sa bulsa ko.”(Inabot ko naman at naisip ko na kukunin niya) ang sabi ko.”Bakit hindi mo suot?” tanong ulit ng gwardya.”Kasi magtutuyo sana ako ng batok.” ang sabi ko.”Sige, sa Prefect mo na lang sabihin yan ah!” na paangas na sinabi ng gwardya. So ako umalis na lamang ako,masama ang loob dahil ang pagtutuyo ko ng pawis ay nauwi sa prefect.

So ano ang gusto ko iparating?

Gusto ko lamang ipahayag na sana bago kinuha ng gwardya eh inintindi niya muna ang aking rason kung bakit ko hinubad ang aking ID,Hindi ko ito hinubad para maging badass kasi 2nd year na ako at hindi ko na kailangan magsuot ng ID.At gusto ko lamang ipahayag na,bakit ang mga batch 10 and prior hindi nagsusuot ng ID?yung mga varsity hindi nagsusuot ng ID at Nag-tsitsinelas pa!Tapos ako tong magtutuyo lamang ng pawis eh napansin pa?Sana sa susunod na mapansin ng gwardya o kahit sino pang tao ang aking pagkakamali eh sana pansinin muna nila yung pagkakamali ng iba na truly badass at yung mga tipong gusto lamang sawayin yung mga patakaran. Hindi ko sinasabing sana ma-exempt ako sa parusa, pero sana maging pantay pantay lang yung pagtrato,pagsaway at pagpansin sa mga estudyante…Oo hindi ako lalaban pero sa mga ganitong sitwasyon kaya kong ipaglaban yung aking tamang katwiran. 

ganito yung akin ah :))
vivamapuacardinals:

by ohjezz
The graph of a Mapuan’s academic status.
vivamapuacardinals:

by ohjezz
The graph of a Mapuan’s academic status.